December 9, 2018

Chud Festejo | Nanay, Tatay Lyrics




Nanay, tatay, gusto kong tinapay
Ate, kuya, gusto kong kape
Lahat ng gusto ko ay susundin nyo
Ang magkamali ay pipingutin ko

Isa,
Isa, dalawa
Isa, dalawa, tatlo
Isa,
Isa, dalawa
Isa, dalawa, tatlo

Pagmulat ay gising na sa mundo
Minsan bata, matanda o sasakyan ang kalaro
Habulan sa lansangan nakikipatintero
Na mahingan ang dumaan na estranghero

Ayaw niyang pumasok, wala siya sa eskwela
Nang matutunang magbilang na ng barya
Tatlo, dalawa, isa, kayo po’y maawa na
Bilhin niyo na itong nilalako kong sampaguita

Nanay, tatay, pengeng pantinapay
Ate, kuya, pengeng pangkape
Lahat ng gusto niyo, susundin ko
Sa mumunting barya ay may pangkain na ako

Isa,
Isa, dalawa
Isa, dalawa, tatlo
Isa,
Isa, dalawa
Isa, dalawa, tatlo

Punta ka d’on, punta ka dito
May maghihintay sayo
Iaabot nila ang pakete na dala
Itago, ‘wag ipapakita

Habulan sa lansangan, sabay ay mga dayo
Pilit tatakasan ang patrol at mga tanod
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito
Pagbilang ng sampu ay nakatago na kayo

Nanay, tatay, pengeng pantinapay
Ate, kuya, penegeng pangkape
Lahat ng gusto niyo, sinunod ko
Minsa’y nagkamali’t bilang na’ng mga araw ko

Isa,
Isa, dalawa
Isa, dalawa, tatlo
Isa,
Isa, dalawa
Isa, dalawa, tatlo

Dati’y tumbang preso, ngayon ay batang preso
Ngayo’y itutumba, ang ulo’y mura lang ang presyo
Ito magkano ba, itanong nyo sa ina
Ang bata ay walang magagawa

Nanay, tatay, pengeng pantinapay
Ate, kuya, penegeng pangkape
Lahat ng gusto niyo, susundin ko
Sa mumunting barya ay may pangkain na ako

Nanay, tatay, pengeng pantinapay
Ate, kuya, penegeng pangkape
Lahat ng gusto niyo, sinunod ko
Menor de edad bilang na’ng mga araw ko

Isa,
Isa, dalawa
Isa, dalawa, tatlo
Isa,
Isa, dalawa
Isa, dalawa, tatlo


No comments:

Post a Comment